Ang Alamat ng Pagbili ng Boto (Vote-Buying)

Sa mga unang panahon ng ating bansa, bago pa nakarating ang mga Kastila, naganap ang isang pangyayari. Ang bunga ng pangyayaring ito ay nakaapekto sa ating uri ng pag-iisip hanggang sai kasalukuyang panahon. Isang uri ng pag-iisip na magdudulot ng maraming masamang panahon.

Sa isang barangay na binigyan ng pangalang Etlok. Itong bayan ay nakapagdanas ng matagal na panahon ng kapayapaan at kayamanan. Subalit isang araw pumutok ang isang bulkan at isang mainit na bato mula sa bunganga ng bulkan ay nahulog sa bahay ng datu at ang kanyang pamilya. Ang malungkot na bunga nito ay namatay ang datu mismo. Sana lamang ay siya lang ang namatay ngunit sa pagputok ng bulkan, halos kalahati ng kanilang komunidad ay namatay.

Pagkatapos ng napakamalas na pangyayari, ang mga nanatiling buhay na miyembro ng kanilang komunidad ay lumayas sa matagal na nilang tinirahang gubat. Ang posisyon ng datu ay napunta sa kanyang minamahal na asawa. Ayon sa kanilang kultura, ang kapangyarihan at responsibilidad ng datu ay mapupunta sa kanyang panganay na anak. Nagkataon lamang na ang panganay ay hindi pa nakakaabot ng sapat na taon. Paano naman kaya mamumuno ang dalawang kambal na bunso.

Sa mga unang panahon ng pamumuno ng asawa ng datu, ang komunidad ay naging puno ng kalungkutan at hirap subalit sa paglipas ng panahon ay nakatayo muli sila at naging masagana ang kanilang tubo dahil sa matinong pamumuno ng asawa ng datu. Dito na rin siguro nagsimula ang kakayahan ng mga babae na mamuno sa pamahalaan.

Ilang mga taon pa nanatili ang pagmumuno ng asawa ng datu kahit na naabot na ng kanilang kambal na anak ang tamang edad na makuha ang upuan ng kanilang tatay. Ang nagpahinto lamang nito ay ang kanilang pagiging kambal. Hindi natakda kung sino sa kanila ang unang ipinanganak kaya medyo nagkagulo ang dalawa.

Isang malas na araw muli ang dumating sa kanilang komunidad. Natakpan ang kanilang tiniragang lupa ng isang madilim na ulap. Kahit naman sa panahong mga iyon, alam na nila na ang ibig sabihin nito ay parating na ang ulan. Uso sa mga kababaihan ang maligo sa ilog tuwing umuulan kaya ang ina ng kambal ay agad tumungo sa malapit na ilog kasama ang kanyang mga katulong upang maligo. Dumating nga ang sapat na ulan na kanilang inaasahan. Ang hindi lamang nila inakala ay ang kamatayang ihaharap ng ina. Habang naliligo sa tubig ng ilog at ulan, isang kidlat ay tumama sa isang puno. Natumba ang puno at bumagsak sa lugar na tinatayuan ng ina. Tinamaan siya sa ulo at bigla ay namatay.

Isa nanamang panahon ng kadiliman at kaguluhan ang nahulog sa komunidad. Ang magkambal ay tuluyang nag-away upang maging ang susunod na datu. Ang kanilang dating paraan ng pagpili ng datu ay hindi naman nila magagawa ngayon.

Pagkatapos ng ilang buwan ng pag-aaway, napag-isipan ng isang magsasaka ang paraan ng kanilang pagpili. Kailangan nilang makahuli ng pinakamalaki at pinakamatabang baboy na makikita nila sa kalooban ng gubat upang gamitin sa isang piesta. Ang makakahuli  makakapagbusog sa mamamayan ay ang magiging datu. Paano naman ay matagal na rin nakatikim ng maayos na pagkain ang mga tauhan mula sa araw na namatay ang asawa ng datu.

Dito nagsimula ang pag-aasa ng mga Pilipino sa vote-buying dahil sa ugali na ang mas maykayang makaipon ng pera ay ang mas may kakayahang ipamahagi sa iba ang kanyang kayamanan.

This entry was posted in Filipino, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s